karen | 19 | q c



free html visitor counters
hit counter

C l i c k s

My facebook

You Wouldn’t Be Remember.

Naisip ko lang kung wala kayang Facebook para magremind na Birthday mo (ngayon) marami kayang magpopost sa wall mo ng “Happy Birthday” with matching smiley or tuldok-tuldok sa dulo. Marami kayang babati sayo? Marami kayang taong mageeffort magtext magreet kalang kasi Kaarawan mo? Marami kayang makakaalala sayo? Ilan kaya sa mga bestfriends mo ang makakaalala?

… ano man yung mga sagot. I should be thankful kasi may nakaalala, may nag abala at may nagaksaya ng oras para bumati.

Pumunta kami kanina sa megamall para sa isang Educational Tour daw? Bale nag-explore lang kami ng mga bagong handsets—-

Pero ang kwento talaga is pagkatapos ng tour.

Bale nagyaya na ako at si A na kumain na kasi gutom na talaga ako pero sabi ni J at R sa SM north nalang daw kami kumain since pupunta rin naman kami dun para gumala. 

Pumunta kami sa MRT station para pumunta ng North. Pagkadating dun sa Trinoma(Landmark?) sa may foodcourt kami kumain since dun na kami bumaba. After kumain nag-punta kami ng timezone para maglaro sana pero wala naman ni isa samin ang madala ng card kaya wasted narin yung pagpunta namin dun hanggang sa napansin kong parang nagbubulungan si J at R at alam kong tungkol sakin yun. Dahil ang trip nilang dalawa ay ilagaw ako. Nung napansin ko yun si R pumunta dun sa may claiming station thingy tapos si J at A naman magkasama na tumitingin daw sa mga naglalaro ako naman sumusunod sakanila para hindi sila mawala sa paningin ko. Sabay sabi ni J sakin ” Bakit ka ba sunod nang sunod?” Parang nagpantig yung tenga ko… nung sinabi nya yun sakin sinabi ko agad sakanya na “So uuwi nalang ako?” pero I didn’t mean to do it naman hanggang sa nakita ko nalang si J na hinihila si A kasama nila si R na nagtago bigla pero nakita ko silang tumatawa—- Parang umirap ako that time sabay puntang excalator para bumaba at para umuwi narin. Talagang nabadtrip ako sakanila kasi pagod na rin ako that time at ayoko ng TRIP nila.

They texted me if nasan na daw ako kasi hinahanp daw nila ako etc. hindi naman ako makareply kasi wala akong load at isa pa papatay na yung phoine ko.

Pag-uwi ko ng bahay nag-open agad ako ng computer at nagFB nagmessage ako kay A na papasok nalang ako bukas ng umaga para sa mga gamit nila na naiwan sa bag ko. Nag-reply naman ulit sya na pupunta daw sila J at R sa bahay para kunin yung mga gamit nila. 

Pagdating nilang dalawa sa bahay binigay ko mga gamit nila pero pinapapasok ko sila sa loob ng bahay namin pero nag-stay lang sila dun sa may gate pero nasa loob parin naman ng bahay namin dun sila nakatayo nag-uusap. Tipong hinihintay akong ihatid sila. Habang shinushutdown ko yung computer tinanong ako ni J..

J:”Paano ka umuwi?”

Ako”Sumakay ng jeep.”

J:”San ka sumakay?”

Ako:”Sa may SM north.”

J:”Eh ba’t hindi sa Trinoma?”

Ako:”HIndi ko naman alam yun eh.”

Hanggang sa nag-paalam si J na uuwi na daw sila. Sumunod naman ako para samahan silang sumakay. Nagsalita si J na akala daw nila hindi ako nakauwi… pero wala lang akong imik hanggang sa makasakay sila.

Hanggang ngayon kasi parang badtrip parin ako, hindi dahil sa pinagtripan nila ako kasi nakauwi naman ako ng maayos pero dahil sa sinabi sakin ni J. at siguro halo-halong emosyon narin.

Hindi ko alam kung paano ko sila papansinin at kakausapin bukas kasi isa ako sa mga taong hindi unang mag-aapproach agad pagkatapos ng nangyari, hindi ko kasi alam kung paano mag-uumpisa or kung babalewalain nalang ba yun since hindi naman ganun kalalim yung dahilan ng pag-iinarte ko.

Haaay akoooo~

Busy Daw?

sobrang busy ko ba talaga kaya hindi ko nagagawang mag-post dito sa blog ko(?). Hindi ko alam, kasi ang inaasikaso ko lang ngayon ay isang Research Study at tatlong system sa MIS parehong by group at parehong may defense—-

Ang dami ko na tuloy unfollower. Mga dalawa~

Gravity

Bale ito ang first post ko after 1 month of busyness~

Simula nung December 1,2011 lagi nalang akong naiirita,naiinis,naaasar at nababadtrip. Bakit?

Kwento: Dahil sa S.A.D. … System making kasi kami sa subject na ‘to. Siyam kaming members at simula palang nung nalaman kong kagroup ko sya hindi na talaga maganda ang vibes ko sakanya. tae langs. Bukod sa mayabang sya eh mayabang talaga sya, at nitong mga nakaraang linggo hindi na nakakatuwa yung mga trip nya (sakin). In joke form naman sya na para talagang nagbibiro sya kasi may “hahaha” everytime na matatapos syang magsalita. Pero iba talaga eh~ ramdam ko. Nito ngang Linggo inaway nya ko…

 

Ito ang sumira ng Linggo ko. Badtrip lang maayos naman yung sagot ko ah? hindi ko naman sya minura. Meron namang nakainsert na smiley para maindicate na it was just a joke. Tapos “so”? “so what?”. Nakakapangbadtrip tae sya. >.<

Tapos ito pa …

Eh pwede naman nyang itext may cellphone naman sya. Tapos “goood”? Aso? Aso ba ko?. Buti nalang mas matanda sya sakin at marunong parin akong gumalang~

Tapos kanina habang inaayos namin yung documents namin pati yung user manual, makapag salita sya ng “ganito lang yan, ganyan dapat..” eh dapat pala sya nalang yung gumawa nun. Like duh~

Mabuti nalang eh pasado na kami … yeeeeessss! May kulang nalang na data type and kaunting revise chuchus sa system. Tapos finals na sa monday at tuesday tapos tapos pagkatapos nun eh hindi ko na sya kagroup … wala nang manggugulo ng mood ko.

Parte Partey!